AFP Chief General Gilbert Gapay, ipinag-utos na tuluyang tapusin ang banta ng terorismo sa bansa ngayong 2021

883

Ipinag-utos na ni Armed Forces of the Philippines Chief General Gilbert Gapay na tuluyan nang tapusin ang mga natitirang New People’s Army guerilla fronts bago matapos ang taon.

Ayon kay Gapay, pagkakataon na ito lalo na’t humina na ang pwersa ng mga rebeldeng npa kung kaya’t kinakailangang paigtingin pa ang kanilang mga military operations.


Dagdag pa ng AFP Chief, nasa 54 pang guerilla fronts at siyam na regional armed groups ang malapit nang mabuwag.

Samantala, hanggang nitong katapusan ng 2020 ay nabawasan na rin aniya ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Facebook Comments