China, magdo-donate ng karagadang COVID-19 vaccines sa Pilipinas

Nangako ang Chinese Embassy na patuloy silang magbibibay ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas bunsod na rin ng tumataas na demand at maitaas ang kakayahan ng ating bansa sa pagbabakuna.

Tiniyak ni Chinese Ambassador to Manila Huang Xilian, tutulungan nila ang Pilipinas na maitaas ang vaccine supply.

Katuwang aniya ng Pilipinas ang China sa paglaban sa pandemya, at unang bansang nag-donate ng test kits, Personal Protective Equipment (PPE).


Ang China rin ang unang nag-dispatch ng medical expert team sa Pilipinas at unang nag-donate ng bakuna.

Ipinagmalaki rin ni Huang ang pag-usad ng Belt and Road Initiative ng China at Build Build Build Program ng Pilipinas.

Facebook Comments