MANILA – Sisimulan na umano ngayong taon ng China ang pagtatayo ng outpost sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.Ayon sa Hong Kong media na South China Morning Post, isang source nila mula sa People’s Liberation Army ang nagkumpirma ng nagsabing report kung saan makakatulong ito para mas mapaganda ang kanilang air coverage sa South China Sea.Bukod dito, plano din ng China na maglagay ng airstrip sa Scarborough Shoal.Ang naturang plano ay kasunod ng nakatakdang paglabas ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague sa kasong inihain ng Pilipinas laban sa China.
Facebook Comments