China, nagbabala ng forceful intervention kapag hindi humupa ang tensyon sa Hong Kong

Nagbabala ang China na gagamitin na nila ang kanilang kapangyarihan para pahupain ang demonstrasyon sa Hong Kong.

Umaabot na kasi sa sampung linggo ang tensyon sa pagitan ng Hong Kong authorities at ng mga protesters.

Ayon kay Chinese Ambassador to London Liu Xiaoming, may opsyon silang ipatupad ang forceful intervention upang matigil na ang kaguluhan doon na itinuturing nilang ‘senyales ng terorismo.’


Kapag hindi na kayang ibalik ng Hong Kong ang Rule of Law at tumindi pa ang mga riot, papasok na ang central government para gampanan ang mandato nito.

Facebook Comments