Manila, Philippines – Nagbigay nanaman ng tulong ang China sa Pilipinas para labanan ang terorismo sa bansa.
Tinanggap ni AFP Chief of Staff Eduardo Ano na sinaksihan ni Pangulong Duterte ang financial assistance ng China na ibinigay nito sa pamamagitan ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na nagkakahalaga ng 65 million pesos.
Nakalaan ang nasabing pera sa pagpapagamot ng mga sugatang sundalo sa bakbakan sa Marawi City.
Matatandaan na una na ring nag-donate ng 5 milyong piso ang China at nakapagbigay narin ito ng mga baril at bala sa mga sundalo para magamit sa pakikipaglaban sa Maute Terror Group.
Hindi naman naglalabas pa ang Malacañang ng detalye sa naging pag-uusap ni Pangulong Duterte at Ambassador Zhao sa Malacañang.
China, nagbigay ng 65 million pesos sa AFP
Facebook Comments