China, nagbigay ng simpatya sa mga mangingisdang Pinoy pero nanindigan aksidente lang ang nangyari

147

China nagbigay simpatya sa mga mangingisdang Pinoy at sinabing aksidente lamang ang Recto Bank Accident.

Nagpaabot ng simpatya ang China sa 22 Pilipinong mangingisda sa nangyaring Recto Bank Incident.


Pero nanindigan si China Foreign Ministry Spokesperson Lu Kang na aksidente lang ang pagbangga ng Chinese Fishing Vessel sa bangkang pangisda ng mga Pinoy.

Ayon kay Lu, hindi naman ganoon kalala ang nangyari at huwag nang palakihin pa dahil binalikan naman Chinese Vessel ang mga Pinoy at umalis lang nang malamang nailigtas sila ng ibang barko.

Base naman sa pahayag ng mga mangingisdang Pinoy, bumalik lang ang Chinese Vessel upang tignan kung talagang lumubog ang kanilang bangka at umalis rin  agad.

Nabatid na inabot ng anim na oras na nagpalutang-lutang ang mga mangingisdang Pinoy bago sila mailigtas ng Vietnamese crew.

Facebook Comments

From Advertisers