Accreditation ng Wellmed Dialysis Center, binawi na ng PhilHealth

76

Binawi na ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang accreditation ng Wellmed Dialysis Center sa Novaliches, Quezon City.

Ito ay kasunod ng ghost claims ng naturang dialysis center kung saan nagagamit ang pondo ng PhilHealth.


Dahil dito, inabisuhan ng PhilHealth ang mga pasyente na lumipat na ng accredited na dialysis facilities para maipagpatuloy o makuha pa din ng serbisyo o tulong sa ahensya.

Ang pagbawi ng PhilHealth sa Akreditasyon ng Wellmed ay kasunod ng pagkadismaya si Health Secretary Francisco Duque III nang matukoy na hindi pa binabawi ng PhilHealth ang Akreditasyon nito sa kabila ng anomalyang kinasangkutan nito.

Una nang sinabi ni PhilHealth Deputy Spokesperson Rey Balena, na kinakailangan pa nilang obserbahan ang umiiral na proseso bago mabawi ang Akreditasyon ng dialysis center.

Facebook Comments

From Advertisers