China – nagpaliwanag sa pagpasok ng kanilang barko sa Benham Rise, Chinese ships –napadaan lang umano

Manila, Philippines – Nagpaliwanag ang China hinggil sa mga namataang Chinese ships sa Benham rise na bahagi ng Pilipinas.
 
Ayon kay Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang – napadaan lamang ang Ocean research sa karagatan ng pilipinas bilang bahagi ng Normal Freedom of Navigation at Right of Innocent Passage.
 
Giit ng opisyal, wala silang ginawang anumang akribidad o operasyon sa Benham rise.
 
Una rito, nababahala ang Pilipinas sa paglalayag ng mga barko ng China sa Benham rise na ini-award ng United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf noong Abril ng 2012.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments