Nangako si Chinese President Xi Jinping ng 1 billion yuan o P7.7 billion na tulong sa Pilipinas sa ilalim ng Belt and Road Initiative.
Sabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, may commitment din si Xi na aangkat ang China ng mas maraming prutas mula sa Pilipinas.
Inihayag ni Xi ang pangako sa bilateral meeting nito kay Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng second Belt and Road Forum sa Beijing.
Dahil sa magandang ugnayan ng dalawang bansa nadagdagan ang import ng China sa mga manga at pinya mula sa Pilipinas.
Sa ilalim ng naturang infrastructure plan, plano ng China na kumonekta sa Africa, Europe at natitirang bahagi ng China sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga pantalan, kalsada, railways at industrial parks.
Bukod dito, nangako rin si Xi ng patuloy na donasyon ng bigas at ibang produkto sa Pilipinas.