Tiniyak ng Chinese government sa pagbisita doon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na mamadaliin nila ang pagpapatayo ng mahahalagang infrastructure projects sa Pilipinas.
Ayon kay Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi, bukod pa rito ang patuloy nilang pagkakaloob sa Pilipinas ng COVID-19 vaccine assistance at ang pagpapalakas ng public health cooperation.
Tiniyak din ng China na prayoridad nila ang Pilipinas sa usapin ng pagpapatibay ng alyansa.
Ayon pa kay Minister Wang, hindi dapat maapektuhan ang relasyon ng Pilipinas at China sa mga nagaganap na kontrobersiya sa pagitan ng dalawang bansa.
Kabilang na rito ang tensyon sa West Philippine Sea kung saan makailang beses nang naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa Tsina.
Ayon naman kay Locsin, nagkaroon na ng pangmatagalang benepisyo sa dalawang bansa ang patuloy na pagpapalakas ng Pilipinas at China sa alyansa nito.