China – No Comment Sa Panukala Ni Pangulong Duterte Na Ideklarang Marine Sanctuary Ang Lawa Sa Loob Ng Scarborough Shoal

MANILA – No comment ang China sa gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing marine sanctuary ang lawa sa loob ng pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal.Taliwas ito sa naunang pahayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na positibo itong tinanggap ni Chinese President Xi Jinping sa naging pagpupulong nila ng Pangulo sa sidelines ng APEC Summit sa Lima, Peru.Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Geng Shuang, iginiit nito na nananatili pa rin ang soberenya ng China sa nasabing lugar at hindi kailanman ito magbabago.Pero sa pagdating sa bansa ni Pangulong Duterte mula sa Peru, iginiit nito na dapat hindi pangisdaan ang lugar kung saan nangingitlong ang mga isda.Sa ngayon ay nagbalik na sa tamang landas ang pag-uusap ng China at Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine sea.

Facebook Comments