Nangako ang China na paparusahan ang mga crew ng vessel na bumangga at nagpalubog sa barkong pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank.
Kung ito ay mapapatunayang Chinese ang mga sangkot dito.
Sa text message na ibinahagi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, sinabi ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na seryoso at masusing iniimbestigahan ng kanilang mga awtoridad ang insidente.
Kapag napatunayan na Chinese vessel ang gumawa nito ay kanilang papanagutin ang mga crew nito dahil sa kanilang irresponsible behavior.
Umaasa rin si Zhao na ang insidente ay mailalagay sa proper context.
Sa Beijing, iginiit ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Geng Shuang na ang insidente ay isang “ordinary maritime accident” lamang kahit iniwan ng vessel ang lumulubog na Philippine boat.
Nagbabala rin si Geng laban sa iresponsableng pumumulitika sa collission.