China, patuloy pa rin ang kanilang land reclamation sa South China Sea

China – Tuloy pa rin ang land reclamation ng China sa mga inangkin nilang teritoryo sa South China Sea.

Matatandaan kasing sinabi ng China sa ASEAN Summit na tumigil na sila sa kanilang aktibidad sa Paracel islands.

Sa katunayan, sinegundahan pa ito ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano.


Pero ayon sa International Asian Maritime Transparency Initiative na masusing nagbabantay sa mga pangyayari sa South China Sea – hindi totoo ang sinabi ng China.

Hindi naman kasama ang Pilipinas sa mga nagke-claim sa Paracel Islands pero kasama ito sa pinag-aagawang teritoryo ng China at Vietnam.

Sabi naman ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, hindi naman sinabi ng China na hindi nila i-i-improve o aayusin pa ang mga inaangkin nilang isla.

Ang tiniyak aniya ng China, ay wala na silang ire-reclaim na iba pa.

Umaasa aniya ang gobyerno na ititigil na ng China ang militarisasyon sa South China Sea.

Facebook Comments