China, pinagtibay pa ang posisyon na hindi kilalanin ang arbitral ruling na naipanalo ng Pilipinas noong 2016

Nananatiling matibay ang posisyon ng China na hindi kikilalanin ang arbitral ruling na naipanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration noong 2016 kasunod sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Ayon sa Embahada ng Tsina, labag sa United Nations Convention on Law of the Sea at international law ang naging ruling kung saan binigyang diin din ng China na nakabatay sa kasaysayan at batas ang kanilang soberanya at interes sa South China Sea.

Samantala, inakusahan rin ng China ang United States na punot dulo sa nasabing ruling, kung saan tinatali nito ang kamay mga kaalyado nitong bansa upang i-pressure at pwersahin ang China na tanggapin ang award.


Sa huli, nanawagan naman ang China sa mga bansa sa labas ng rehiyon na irespeto ang kanilang territorial sovereignty, maritime rights at interes, at iwasan ang pagiging pasimuno upang guluhin ang peace at stability sa South China Sea.

Facebook Comments