Manila, Philippines – Isiniwalat sa Senado ni Atty. Kay Batongbacal ng UP Institute of Maritime Affairs ang pagbibida ng China sa ilang sample na nakuha nito sa Western Pacific.
Ayon kay Batongbacal – posibleng galing ang kinuhang seabed sample sa Benham Rise na bahagi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Ito ay batay na rin aniya sa inilabas na report kung saan sinasabing kumuha umano ng seabed sample ang research vessel ng China mula sa November 2016 hanggang January 2017 sa mga dinaanan nito, kabilang na ang Benham Rise.
Noong nakaraang taon, nagkaroon na ng sariling ekpedisyon ang Pilipinas sa Behram Rise, pero naniniwala si Batongbacal na dapat ay may pilipino nang kasama sa pag-aaral sa natural resources ng ating mga katubigan ngayong kulang ang bansa sa teknolohiya.