Pambabatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa media – binara ni Senator Antonio Trllanes; Digong – tinawag na sinungaling ng Senador at hinamong kasuhan siya ng libelo

Manila, Philippines – Tila ipinagtanggol ni Senator Antonio Trillanes ang media sa bagong banat ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Sa inilabas na statement ni Trillanes – sinabi nito na kung ang mga reports ng media ay hindi totoo kaugnay sa kanyang mga alegasyon hinggil sa banks accounts ni Duterte, bakit hindi siya kinasuhan.

 

Sinabi din ng senador na hindi lang 200 million pesos ang kanyang alegasyon kaugnay sa bank accounts ng Pangulo, kundi dalawang bilyong piso.

 

Bunsod nito, tinawag ni Trillanes na sinungaling ang Pangulo at hinamon na kasuhan siya ng libelo.

 

Kahapon ay tahasang minura ng Pangulo ang ilang media outfits at sinabihan na bastos dahil sa hindi patas na pagbabalita.


Facebook Comments