China, posibleng maging tuso na naman

Manila, Philippines – Nangangamba ang Bayan Muna sa Kamara na maging tuso na naman muli ang China sa  proposal nito na joint exploration sa bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Ang pahayag ay kasunod ng pagsangayon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na magiging beneficial sa bansa ang gagawing exploration ng China sa ating karagatan.

Ipinaalala ng Bayan Muna ang naging karanasan ng bansa sa Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) noong 2005 kung saan sinolo ng China ang mga resources na natuklasan nito sa ating karagatan.


Naging mas agresibo pa ang China noon sa ating teritoryo nang matuklasan ang mga mayayamang resources sa ating teritoryo.

Dahil dito, mariing tinututulan ng Bayan Muna ang pagkakaroon ng kasunduan sa China at nagbabalang posibleng lamangan at lokohin ulit ang ating bansa.

Iginiit pa ng Bayan Muna na hindi totoong idineklarang constitutional noon ng Korte Suprema ang JMSU kaya hindi rin dapat ituloy ang planong joint exploration ngayon sa West Philippine Sea.

Tiyak umanong China lang ang makikinabang at itatago nanaman sa bansa ang anumang matutuklasang resources sa ating teritoryo.

Facebook Comments