Naniniwala ang isang maritime expert na posibleng magbago na ngayon ang tindig ng China matapos na magpahayag na rin ng suporta sa Pilipinas ang ilang bansa.
Ito ay kasunod ng pagkondena ng Japan at Estados Unidos sa patuloy na presensiya ng mga barko ng China sa bahagi ng Julian Felipe Reef na sakop ng ating Exclusive Economic Zone.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Director Professor Jay Batongbacal na posibleng pansinin na rin ng China ang mga inihain ng Pilipinas na diplomatic protest.
Matatandaang sinabi ng America na nakikiisa sila sa Pilipinas at kinokondena nila ang ginagawang mga mapang-hamong hakbang ng China sa ilang bansa na nagdudulot ng banta sa kapayapaan at seguridad sa rehiyon.