Zoren Legazpi, ano nga ba ang mga pinagdaanan bago maging miyembro ng Highway Patrol Group?

Ibinahagi ng aktor na si Zoren Legazpi ang kaniyang mga pinagdaanan bago maging isang ganap na miyembro ng Highway Patrol Group (HPG).

Ayon kay Zoren, hindi madaling makapasok sa HPG dahil iilang indibidwal lamang ang mga napipili.

Lubos naman ang naging kasiyahan niya dahil isa siya sa mga maseswerteng sibilyan na napasama sa grupo.


Kung inaakala naman aniya ng netizens na peke ang kaniyang pagsali, nilinaw ni Zoren na pinaghirapan niya ang lahat upang makamit ito.

Matatandaang base sa website na Official Gazette, ang HPG ay may tungkulin na mag-enforce ng traffic laws and regulations, pati na rin ang panatilihing ligtas ang mga kalsada.

Isang pagbati naman ang tinanggap ni Zoren mula sa asawang si Carmina kung saan ipinakita nito ang pagiging proud sa kaniyang mister.

Facebook Comments