Hindi magdadalawang isip ang Tsina na magsimula ng giyera laban sa Taiwan sakaling kumalas ito sa kanila.
Ito ang babala ni Chinese Defense Minister Wei Fenghe sa magtatangkang paghiwalayin ang dalawang lugar.
Nangako rin si Fenghe na sirain ang anumang plano kaugnay sa kasarinlan ng Taiwan at pagtibayin ang pag-iisa nito at ang mainland China.
Mababatid na sinabi ni United State Secretary of Defense Lloyd Austin kay Fenghe noong nag-usap sila sa Singapore na bawasan ng China ang mga hakbang upang destabilize ang Taiwan.
Mababatid na ang Taiwan ay isang self-rules at demokratikong isla na namumuhay sa walang humpay na pagbabanta ng pananakop ng China na siyang kinikilala ito bilang kanilang teritoryo.
Facebook Comments