Anim, sugatan sa magkahiwalay na insidente ng pananaksak sa Germany

31

Sugatan ang apat na indibidwal matapos ang knife attack sa isang university campus sa Germany.

Ayon sa mga awtoridad, bigla na lamang pumasok sa seminar building ng Hamm-Lippstadt University of Applied Sciences ang lalaking armado ng patalim at pinagsasaksak ang mga naroon.

Nakatakbo ang ilang estudyante pero tatlong babae at isang lalaki ang nasugatan na agad na itinakbo sa pagamutan.


Hawak na ngayon ng mga otoridad ang suspek habang patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

Samantala, isang ginang at isang pitong taong gulang na babae ang malubha namang nasugatan sa insidente rin ng pananaksak na nangyari naman sa isang elementary school sa Esslingen.

Facebook Comments