China, tiniyak na sisimulan ngayong taon ang konsultasyon sa code of conduct sa South China Sea

Manila, Philippines – Sa kanyang pagharap sa international media sa PICC, kinumpirma ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na sisimulan na ngayong taon ang konsultasyon sa text ng code of conduct o COC sa South China Sea.

Ito ay matapos aprubahan ng China at ng ASEAN ang framework ng COC sa South China Sea.

Naniniwala rin aniya ang China na ang pagtutulungan ng ASEAN at ng Tsina ay mahalaga para sa maayos na relasyon.


Ayon kay Minister Wang, mahalaga rin ito para mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon ng Asya.

Facebook Comments