Walang nakikitang dahilan ang Estados Unidos para mag-overreact ang China sa Multilateral Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas, Amerika, Australia at Japan sa South China Sea.
Batay sa Presidential Communications Office (PCO), pahayag ito ni White House National Security Communications Advisor John Kirby nang matanong sa kahalagahan ng quadrateral cooperation.
Ayon kay Kirby, ang quadrelateral cooperation ay tungkol sa freedom of navigation, pagsunod sa international law at patunay na ang mga magkaka-alyado ay maaaring lumipad, maglayag, at mag-operate basta’t pinahihintulutan ng international law.
Asahan na aniya na ang mas marami pang kahalintulad na maritime patrols na gagawin ng US sa karagatan ng Pilipinas.
Dagdag pa ni Kirby, binabantayan din ng US government ang sitwasyon sa WPS.
Muli rin nitong hinimok ang China na sumunod sa 2015 Hague decision na kumikilala sa karapatan at hurisdiksyon ng Pilipinas sa South China Sea.