Inimbitahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na bumisita sa Pilipinas si Chinese President Xi Jinping at ang misis nito na si First Lady Peng Liyuan.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ito ay bilang sukli ni Pangulong Marcos sa mainit na pagtanggap sa kanya at kanyang deligasyon ng China’s first couple ng bumisita sya sa Beijing.
Si Speaker Romualdez ay kasama sa delegasyon sa China at kanyang na-obserbahan ang magandang pakikitungo sa isa’t isa nina PBBM at President Xi Jinping, gayundin ng kanilang first ladies.
Diin ni Romualdez, naging matagumpay ang unang tatlong araw na pagbisita ni President Marcos sa China.
Dagdag pa ni Romualdez, nagbukas din ito ng pagkakataon para mapag-ibayo ang ugnayan sa pagitan ng Kongreso ng Pilipinas at ng China.