Mabilis na paglaya ng anak ni Secretary Remulla, pinuna ng isang kongresista

Pinuna ni Albay 1st district representative Edcel Lagman ang napakabilis na pagpapawalang sala sa anak ni Justice Secretary Crispin Remulla na si Juanito Remulla kaugnay sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Ikinumpara pa ito ni Remulla kay dating Senador Leila De Lima na halos anim na taon ng nakabilanggo dahil sa kasong may kaugnayan din sa ilegal na droga.

Sabi ni Lagman, kung gaano kabilis umusad ang kaso ni Remulla ay tila natenga naman sa madilim na lagusan ang hustisya para kay De Lima.


Ang pahayag ni Lagman ay kasunod ng paglaya ni Juanito Remulla kahapon makaraang i-abswelto sya ng Las Piñas Regional Trial Court sa kaso.

Oktubre ng nakaraang taon ng maaresto si Remulla dahil sa umano’y nakuhang package sa kanya ng mga otoridad na naglalaman ng marijuana.

Facebook Comments