Nagpaabot ng pagbati ang ambassador ng China sa Pilipinas na si Huang Xilian matapos na pumang-apat ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng nabakunahan sa loob ng isang araw.
Batay sa datos ng bakunahan noong November 29, nanguna pa rin ang China na mayroong 22 milyong taong nabakunahan.
Sinundan ito ng India na nakapagbakuna ng 10 milyong indibidwal; Amerika (3.4 million); Pilipinas (2.7 million); at Brazil (2.6 million).
Ayon kay Xilian, ikinatuwa niya ang bagong development ng bansa sa COVID-19 vaccination nito at ipinagmalaking maganda ang naitulong dito ng China.
Batay sa tala ng Chinese Embassy, umabot na ng 55 million doses ng COVID-19 vaccine ang naibigay ng China sa Pilipinas.
Matatandaang nagsagawa ang 3-Day National Vaccination Drive ang pamahalaan noong November 29 hanggang December 1.