Sinalag ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang pangambang pwedeng patayin ng China ang kuryente ng Pilipinas sa pamamagitan ng Remote Control.
Ayon kay Amb. Huang hindi ito magagawa ng kanilang bansa.
Posibleng gumagawa lamang ng espekulasyon ang mga tutol sa paglago ng kabuhayan sa bansa.
Tiniyak ni Huang na tutulong ang China sa pagpapatayo ng mga eskwelahan, kalsada, tulay at iba pang istraktura sa bansa.
Samantala, bubuo ng Technical Team ang Dept. of Energy (DOE) at Dept. of National Defense (DND) para pag-aralan kung may kakayahan ang China na patayin ang elektrisidad sa bansa.
Facebook Comments