Karamihan sa mga POGO, hindi nagbabayad ng buwis

61

Hindi nagbabayad ng buwis ang karamihan ng Philippine Offshore Gaming Operator o POGO.


Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), sa 49 na POGO ay nasa 10 lamang ang nakabayad ng Regulatory Fees at Franchise Tax.

Inamin naman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na wala pa silang naipapasarang POGO Operations sa kabila ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bigo rin ang PAGCOR na maglabas ng datos kung magkano ang kinikita ng mga POGO.

Tingin ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate. nililinlang ng mga POGO ang gobyerno.

Facebook Comments