Hinatulan ng korte sa Beijing, China ang kilalang bilyonaryo at kritiko ni President Xi Jinpin na si Ren Zhiqiang na isang retired real-estate tycoon.
Nabatid na 18-taon makukulong ang 69-anyos na si Ren dahil sa kasong pangungurakot sa public funds, pagtanggap ng lagay at pang-aabuso sa kapangyarihan nang minsang hawakan nito ang state-owned property company.
Aminado naman si Ren sa kaniyang mga kasalanan saka sinabing wala na siyang magagawa lalo na’t nabawi na rin ng gobyerno ang ilan sa mga perang nakuha niya sa iligal na gawain.
Si Ren ay nakilala sa China dahil sa pagiging kritiko ni President Xi kung saan mariin nitong iginigiit na nagkulang ang pamahalaan sa mga programa at hakbang para hindi na sana kumalat ang COVID-19.
Facebook Comments