Chinese Businessman, Timbog sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

39

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang negosyante tsino matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad bandang 11:45 kaninang umaga sa Brgy. Centro 10, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Richard Chua, 45-anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Centro 7, Tuguegarao City.


Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) pakete ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Nabatid na si Chua ay nasa PDEA Target Listed Drug Personality.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng PNP Tuguegarao.

Facebook Comments