Magsasaka, Patay ng bumangga sa isang Barikada

24

Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang magsasaka habang isinusugod sa pagamutan matapos itong bumangga sa isang barikada sakay ng kanyang motorsiklo bandang 10:20 kagabi sa Brgy. Divisoria, Aurora, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Joseph Lamuas, 37-anyos, may-asawa at residente rin sa nasabing lugar.


Lumalabas sa imbestigasyon ng Aurora Police Station, binabagtas ng biktima ang kanlurang bahagi ng daan ng mawalan ito ng kontrol sa manibela hanggang sa bumangga sa nakatayong barikada ng barangay at nagtamo ng matinding sugat sa ulo.

Nabatid na mabilis ang naging pagpapatakbo ng biktima ng mangyari ang insidente.

Nagawa pang isugod sa ospital ang biktima ng mga opisyal ng barangay sa lugar subalit idineklara na itong dead on arrival ng doktor.

Inaalam pa sa ngayon ang kabuuang halaga ng nasirang motorsiklo habang umuusad ang imbestigasyon.

Facebook Comments