Chinese citizen, arestado sa ilegal na COVID-19 testing sa Peru

A Peruvian police photo showing Chinese citizen Zhang Tianxing (R) after his arrest for the unauthorized use of stolen COVID-19 tests in a street in Lima, on April 12, 2020.

LIMA, Peru — Arestado ang isang Chinese citizen matapos magsagawa ng rapid COVID-19 test sa publiko gamit ang mga ninakaw na kit mula sa health ministry ng Peru.

Dinakip ng pulisya ang kinilalang si Tianxing Zhang, 36, na naaktuhang kumukuha ng samples ng dalawang babae sa pinto ng kanilang bahay sa Brena district nitong Linggo, Abril 12.

Pareho umanong nagbayad ang dalawang babae kapalit ng rapid home test na ginagawa ng suspek kahit walang pahintuloy ng awtoridad.


Ayon sa pulisya, aminado si Zhang na tinangay niya lang ang Rapid Diagnostic Tests mula sa Directorate of Integrated Health Network ng Lima Sur, kung saan siya nagtrabaho.

Umamin ang suspek na dalawang batch ng test ang ninakaw niya upang pagkakitaan ang mga taong naghihinalang tinamaan sila coronavirus.

Nakumpiska ng pulisya ang backpack na may lamang 25 COVID-19 tests at iba pang medical supplies sa bahay ni Zhang.

Facebook Comments