Chinese companies na mayroong konstruksyon sa WPS, dapat i-ban sa Philippine government projects – Carpio

Iginiit ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na nakagawa ng crimes against humanity ang mga Chinese companies na tumulong sa pagpapatayo ng artificial islands sa West Philippines Sea dahil sa pagsira sa marine environment.

Ayon kay Carpio, dapat i-ban ang mga kumpanyang tsino na makilahok sa anumang proyekto ng pamahalaan.

Ang mga dredging activities na ginawa nila sa lugar ay sinira ang mga coral reefs na siyang breeding grounds ng mga isda at pinagkukuhanan ng kabuhayan at pagkain ng daan-daang taong nakatira sa paligid ng South China Sea.


Nilabag din ng mga kumpanya ang domestic laws ng iba’t ibang bansa.

Ang pagpapahintulot ng mga Chinese companies na mag-operate sa bansa ay nagbibigay lamang ng maling mensahe sa China kung saan pinapayagan lamang sila na umaligid sa Exclusive Economic Zone ng Pilpinas, patuloy lang nilang sisirain at aabusuhin ang yamang dagat sa lugar.

Facebook Comments