Nilinaw ng Department of Health (DOH) at ng Food and Drug Administration (FDA) na ang traditional Chinese drug na Lianhua Qingwen ay hindi rehistrado bilang gamot laban sa COVID-19 sa bansa.
Sa statement, inaprubahan lamang ng FDA ang Lianhua Qingwen bilang isang prescription medicine pero hindi COVID-19 medication.
Nitong August 7, 2020 lamang nakakuha ang Lianhua Qingwen ng FDA registration.
Anumang pagkain o gamot na hindi nakarehistro sa Pilipinas ay hindi pwedeng ibenta dahil kukumpiskahin ang mga ito.
Ginagamit lamang ang nasabing traditional herbal product para tanggalin ang heat-toxin invasion sa baga kabilang ang mga sintomas tulad ng lagnat, sipon, at pamamaga ng kalamnan.
Facebook Comments