Inakusahan ng Chinese Embassy na sinisira lamang ng Top Security Adviser ni US President Donald Trump ang magandang relasyon sa pagitan ng China at ang Pilipinas.
Ito ay matapos bumisita sa bansa si Us National Security Adviser Robert O’ Brien at iginiit na ang West Philippine Sea ay pagmamay-ari ng mga Pilipino at hindi ng ibang bansa.
Sinabi rin ni O’ Brien na hindi porket malaking bansa ay basta na lamang nila pwedeng kunin ang mga likas na yaman nito.
Mariin naman itong itinaggi ng embahada ng China at sinabing walang basehan ang mga naging pahayag ni O’ Brien.
Ayon pa sa kanila, pansariling interes lamang ang dahilan ng Estados Unidos kung kaya’t nagtungo sa Pilipinas ang U.S. Top Security Adviser at hindi dahil sa pagpapaigting ng kapayapaan.
Hindi dapat nangingi-alam ang Estados Unidos sa usapin ng South China Sea disputes dahil hindi ito kabilang sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).