Chinese Embassy, nag-donate ng ₱1-M cash at PPEs para sa medical frontliners

Nag-donate ang Chinese Embassy sa Manila ng ₱1 million cash at Personal Protective Equipment (PPE) sa medical frontliners sa Pilipinas.

Ikinokonsidera nila itong “token of appreciation” at suporta para sa kanilang kasipagan sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Chinese Ambassador Huang Xilian, umaasa siyang mananatiling ligtas at malusog ang bawat medical frontliners.


Patuloy aniya na magbibigay ang China ng suporta at tulong sa kanilang makakaya sa Pilipinas.

Nitong Huwebes, nag-donate ang embahada ng 50 ventilators sa pamahalaaan para mapagtibay ang healthcare capabilities ng bansa sa paghahatid ng medical services sa publiko.

Ang pinakahuling donasyon ay huling batch ng 130 units ng ventilator machines na ibinigay ng Chinese Government.

Una nang sinabi ng China na ipaprayoridad ang Pilipinas sa kanilang COVID-19 vaccine.

Facebook Comments