Chinese Face Swapping App, umani ng batikos dahil sa ilang privacy concerns

Umani ng batikos ang isang Chinese Face Swapping App na Zao, na naging viral kamakailan, dahil sa ilang privacy concerns.

Nito lamang nakaraang Biyernes, ika-1 ng Setyembre ay inupload sa IOS App Store ng China ang Zao, at agad na humakot ng milyun-milyong download.

Ang ZAO ay isang chinese app na kung saan maaaring mai-swap ang mukha ng user sa kahit kaninong mukha ng isang celebrity, sports car, o sinuman na nasa video clip.


Ang mga users ng nasabing app ay magkakaroon ng sariling kuha ng kanilang mga selfies at saka magkakaroon ng facial expressions gaya ng paggalaw ng kanilang bibig, pagkurap ng kanilang mga mata, gaya ng ginagawa ng mismong karakter na nasa video.

Agad naman itong ikinabahala ng ilang mga users dahil sa posibleng harmful threat nito sa kanilang pagkatao.

Ayon sa ilang kritiko, pwede raw magamit ang face replacement app na ito para sa mga fake videos, at para makamanipula at makasira ng reputasyon ng ibang tao.

Kaugnay nito, isang pahayag naman ang inilabas ng Momo Inc., ang kumpanyang nagmamay-ari ng Zao, “We understand the concerns about privacy. We’ve received the feedback, and will fix the issues that we didn’t take into consideration, which will take some time.”

Sinabi nitong agad naman silang gagawa ng aksyon.

Facebook Comments