Chinese General hospital, namigay ng mga medical kits sa mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Maynila

Bilang tulong sa pamahalaang lungsod ng Maynila, namahagi ang Chinese General Hospital ng libu-libong hygiene at medical kit s Manila Police District (MPD) at Manila City Hall partikular sa mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Pinangunahan ni Chinese General Hospital and Medical Center President/CEO Dr. James Dy, ang pamamahagi ng libu-libong mask, alcohol, sanitizer at infrared thermometer.

Ito ay isang joint project ng nasabing ospital, Philippine Chinese Charitable Association, Inc., at Filipino-Chinese General Chamber Commerce Inc..


Ayon kay Dy, umikot na rin sila sa ibat-ibang lugar  upang mamahagi ng mask at alcohol bilang bahagi ng preventive measures at tulong na rin sa mga kababayan na mahirap makabili dahil wala nang stock sa mga tindahan para mapigilan ang 2019 Coronavirus Disease o Covid-19.

Sinani pa ni dy na tumanggap sila o kaya nilang mag-accomodate ng pasyente sakaling may ma-admit na may simtomas ng virus dahil mayroin silang ward para dito.

Napag-alaman na ang mga pinamamahaging mask at iba pang pangproteksyon laban sa Covid-19 ay suplay sa kanilang ospital gayunman, tiniyak ni Dy na  sapat pa din ang kanilang suplay dahil may sarili silang source of procurement at may regular silang supplier.

Bilang isang Filipino-Chinese, pinayuhan naman ni Dy ang mga kababayan na umiwas muna sa mga crowded na lugar gaya ng pagpunta sa party, sinehan at pampublikong lugar upang  hindi magkaroon ng virus.

Facebook Comments