Chinese general, sinopla ni PBBM dahil sa akusasyong sinisira ng Pilipinas ang kapayapaan sa Indo-Pacific region

Pumalag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa akusasyon ng China na sinisira nito ang kapayapaan sa Indo-Pacific region sa pamamagitan ng paglihis ng tunay na konsepto ng centrality sa ASEAN.

Sa Shangri-la Dialogue sa Singapore, tinanong ni Chinese Major General Xu Hui ang pangulo kung nilalagay ng Pilipinas sa panganib ang kapayaan dahil sa pagkonsidera sa ibang partido ang angkop na aksyon sa isyu sa South China Sea.

Ayon sa pangulo, nanatili ang commitment ng Pilipinas sa kapayapaan at ASEAN centrality kung kaya’t kabaligtaran ang binabanggit ng heneral.


Pandaigdigang isyu rin aniya kasi ang peace at stability sa South China Sea kung kaya’t marapat lamang na talakayin ito sa mga diskusyon.

Mahalaga rin ito sa pandaigdigang kalakalan at ekonomiya dahil kalahati ng kalakalan sa buong mundo ay dito dumadaan.

Giit pa ng pangulo na sumusunod ang bansa sa prinsipyo ng ASEAN simula pa nang malikha ito.

Facebook Comments