DNA test sa sinasabing ina ni Mayor Alice Guo na si Wen Yi Lin, malabo ayon sa isang senador

Aminado si Senate Committee on Ways and Means Chairman Sherwin Gatchalian na malabo nang mapa-DNA test ang mga magulang ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Kasunod na rin ito ng hamon ni Gatchalian na magpa-DNA test si Mayor Guo at ang hinihinalang ina nito na si Wen Yi Lin.

Ayon kay Gatchalian, nagtanong na siya sa Bureau of Immigration (BI) at napag-alaman na si Wen Yi at Jian Zhong Guo na ama naman ng alkalde ay nasa ibang bansa na at malabong makita pa.


Sinabi pa ng mambabatas na pwede talaga silang umuwi na ng China at posibleng hindi na bumalik ng Pilipinas dahil Chinese talaga ang mga ito.

Sa kasamaang palad aniya, dahil madali lang umalis at madalas lumipad ang dalawa sa ibang bansa ay hindi malabong mawalan na ng pagkakataon na mapatunayan na sina Wen Yi at Jian Zhong na parehong Chinese ay mga magulang ni Mayor Guo.

Facebook Comments