CHINESE HERITAGE DAY, PINAGHAHANDAAN NA NG DAGUPAN CITY BILANG PAGSALUBONG SA CHINESE NEW YEAR

Inihahanda na ng lungsod ng Dagupan ang kanilang pagsasagawa sa nalalapit na Chinese Heritage Day sa huwebes, January 19, 2023.

Pinag-usapan na ang mga kailangang ihanda para sa gaganaping aktibidad, matapos magsagawa ng isang pagpupulong na dinaluhan ng mga respective organizations gaya na lamang ng Filipino Chinese Chamber of Commerce, Inc., Pangasinan Chapter; Pangasinan Filipino Chinese Chamber of Commerce; Amity; and Panda Fire Brigade, Inc.

Isang motorcade sa central business district ang magaganap sa pasimula ng pagsalubong sa Year of the Water Rabbit at mamamahagi rin ng tokens o angpao na kilalang kultura o gawain ng mga Chinese.

Magkakaroon din ng Dragon at Lion Dance na bahagi rin ng tradisyon ng mga Chinese tuwing sumasapit ang Chinese New Year.

Makikiisa rin sa aktibidad na ito ang heritage preservation advocate group na Jayceeken, youth sector representatives, Dagupan City PNP at Public Order and Safety Office.

Ang pagsasagawa ng nasabing aktibidad ay sa pangunguna ng alkalde ng Dagupan City kasama ang Dagupan City Tourism Office at ilang miyembro ng Chinese community sa lungsod. |ifmnews

Facebook Comments