MGA TUPAD BENEFICIARIES NG ILANG BAYAN SA PANGASINAN, NAKATANGGAP NA NG KANILANG SALARY PAYOUT

Natanggap na mga TUPAD beneficiaries mula sa mga bayan ng Pozzorubio, Balungao at Villasis ang kanilang sahod katumbas ng kanilang pagtatrabaho sa loob ng sampung araw.

Pitumpung benepisyaryo ang nakatanggap ng apat na libong piso o 4,000 pesos.

Ilan sa mga naisagawang proyekto ng mga ito sa kanilang pagtatrabaho ay ang pangangalaga ng “Gulayan Sa Barangay”, Coastal-Barangay Clean-up Drive, at pagpapaganda at paglilinis ng mga paaralan sa kanilang komunidad.

Ang TUPAD program ay programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang Pangasinan Employment Service Office (PESO) sa pagtutok sa nasabing programa sa lalawigan. |ifmnews

Facebook Comments