Naniniwala ang chinese medical team na nasa bansa na gumagawa ng “prompt and strong” measures ang pilipinas laban sa pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, nagpadala ng anti-epidemic medical expert team ang China sa Pilipinas para makipagpalitan ng naranasan at mga hakbang para higit na mapabuti ang prevention at control measures ng bansa laban sa COVID-19.
Aniya, binisita rin ng team ang frontline medical agencies sa bansa at nagsagawa ng video lectures tungkol sa epidemic prevention para ibahagi ang kanilang naranasan sa COVID-19 diagnosis, treatment at prevention methods.
Nangako rin ang chinese ambassador na ipagpapatuloy nito ang pagtulong sa bansa laban sa COVID-19.
Naunang sinabi ng malakanyang na inaasahan nitong uunahin ng China ang kanilang southeast asian ally kasama ang Pilipinas, kapag nakabuo na ito ng gamot para sa virus.