Chinese na nanakit ng traffic enforcers, siklista sa Makati kinasuhan na

3513
PHOTO: Makati Police

Sinampahan na ng kasong physical injury at disobedience to persons in authority ang babaeng Chinese na nagwala at nanakit ng traffic enforcers sa Makati City.

Kinilala ng Makati City police ang dayuhan na si Dong Li, 27, residente ng Barangay Bel-Air kung saan naganap ang insidente.


Matatandaang nag-viral si Li nitong Martes matapos makuhanan ang pakikipagtalo at pananakit sa traffic enforcers sa Jupiter Street.

(VIRAL: Babaeng Chinese nanakit ng traffic enforcers, siklista sa Makati)

Ayon sa pulisya, nagsimulang magwala si Li nang pigilang tumawid ng enforcer dahil umaandar pa ang mga sasakyan.

Nabiktima din ng galit ng babae ang napadaang siklistang si Jefferson Reyes na nagtamo ng sugat matapos ang insidente.




Facebook Comments