Nadakip ng mga tauhan ng PNP-Anti Kidnapping Group ang isang Chinese national na sangkot sa pagdukot sa kapwa niya Chinese sa lungsod ng Pasay.
Ayon kay Police Lt. Col. Elmer Cereno, Spokesperson, naaresto si Libu Xu sa isang condominium sa Pasay City nitong August 15, 2019 makaraang makatanggap ng impormasyon sa kinalalagyan ng suspek.
Batay sa imbestigasyon, dinala ng mga suspek ang biktima na si Xiao Bian sa Pasay City Police Station at inireklamo ito ng pangungutang.
Ikinulong naman ng mga pulis ang biktima ngunit matapos ang interogasyon ay pinakawalan din.
Kinunan ng video ng mga Chinese kidnappers ang biktima habang ikinukulong sa presinto at pinadala ang video nito sa tatay ng biktima para makahingi ng ransom.
Sa isinagawang debriefing, sinabi ng nasagip na biktima na may utang sya na P1.5 Million sa mga suspek at hindi niya ito nabayaran, dahilan para sya ay ikulong sa safehouse ng mga suspek sa Alabang.
Nagpapatuloy ang follow-up operation sa 5 iba pang suspek na sangkot sa pagdukot.