PANOORIN: Lalaking baldado, sinagip ang kuting na stranded sa kanal

692
(Abu Fathiyyaturahma Menk AbdunMujtahid)

Sa kabila ng pagkakaroon ng paralisadong mga binti, nakuha pa rin iligtas ng isang lalaki sa Malaysia ang namataan niyang kuting na stranded sa kanal.

Ibinahagi ni Abu Fathiyyaturahma Menk AbdunMujtahid sa Facebook nitong Agosto 11, ang kuwento at video ng insidente.


Salaysay ni Abu, isang paralympic athlete, papunta sila ng kaibigan niya sa isang sports complex nang makita nila ang kuting na nakakapit sa gilid ng kanal.

Makikita sa video na umalis sa kanyang wheelchair si Abu at bumaba sa madamong dalisdis gamit ang kanyang mga braso.

Paglilinaw ni Abu, mayroong prosthetic leg ang kasama niyang kaibigan, na siya ring kumuha ng video, kaya’t hindi makababa para tumulong.

Pagdating sa gilid ng kanal, binalanse ni Abu ang kanyang sarili at dahan-dahang inabot ang kuting na nagtatatakbo nang ligtas na mailapag sa damuhan.

Umabot na sa 278,000 views ang video ni Abu at sandamakmak din ang papuri sa kanya, lalo na ng mga cat lover.

Facebook Comments

From Advertisers