Chinese national na nangidnap at nangotong, arestado sa Pasay City

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Detective Unit ng Parañaque City Police Station makaraang maaresto ang isang Chinese National sa isinagawang follow-up operation, sa Dampa, na matatagpuan sa Macapagal Ave., Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Liu, Jinkai, 29 anyos na sangkot sa insidente ng robbery extortion.

Ayon sa imbestigasyon ng Parañaque Philippine National Police (PNP), personal umanong nagtungo si Fe Melana 25 anyos sa Investigation and Detective Management Section office, ng Parañaque City Police Station at iniulat na umanoy ang kanyang live-in partner na si Ji,Ming ay kinidnap noong 6:36 ng gabi ng June 28 Wednesday habang siya’y nasa Angeles City, nakatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang live-in partner Ji, Ming kung saan humihingi ng tulong na umanoy dinukot ng mga grupo ng suspek sa Solaire Resort and Casino, Tambo, Parañaque City.


Napag-alaman na isa sa mga suspek na si Liu ay kinausap si Melana na magkita sila sa Solaire upang magbigay ng ransom money na ₱1,050,000.

Agad na ikinasa ng mga tauhan ng Detective Unit ng Parañaque City ang pagsasagawa ng follow-up operation para sa posibleng pag rescue sa biktima at pag aresto sa mga suspek sa Bonifacio Global City, Taguig at Solaire Aseana Parañaque City hanggang sa napagkasunduan na magkita sila sa Dampa, Pasay City.

Habang hawak ng mga pulis ang cellphone na naglalaman ng code number na sanay ransom money, agad na dinakma ng mga pulis ang naturang suspek.

Nakapiit na sa Station Custodial Facility ng Parañaque City Police Station ang naturang Chinese national.

Facebook Comments