Chinese national na si Duanren Wu, hinihinalang “big boss” ng mga POGO sa buong bansa

Pinatututukan ni Senator Joel Villanueva ang Chinese national na si Daunren Wu na isa sa mga tumulong kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang tumakas sa Pilipinas.

Ayon kay Villanueva, batay sa kanyang mga nakalap na impormasyon, hindi si Huang Zhiyang kundi si Wu ang lumalabas na “big boss” ng mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa bansa at siyang nagpapatakbo ng operasyon ng mga POGO.

Lumalabas din na si Wu aniya ang notorious at nasa likod ng mga krimen tulad ng kidnapping, torture at prostitusyon sa POGO at mukhang siya rin ang kinatatakutan ni Alice Guo.


Napag-alaman din aniya na dating pulis sa China si Wu at may mga tauhan siyang mga dating Chinese police at military officers na dinala sa bansa at tumira sa Pampanga.

 

Dagdag pa ni Villanueva, malaki rin ang tsansang konektado si Wu sa Hong Kong Triad at Macau mafia.

Mahalaga rin aniyang malaman ang koneksyon ni Wu sa mga public offices at public officials sa bansa dahil ang dating ay mistulang kinatatakutan nga ito.

Facebook Comments