MANILA – Kusang sumuko kagabi sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Chinese national na sinasabing asset ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino nang maaresto siya noong nakaraang taon matapos na magsagawa ng raid sa bodega ng iligal na droga sa Sta. Cruz, Maynila.Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, mismong si Yan Yi Shou Alyas “Randy” ang lumapit sa NBI special task force na pinangungunahan ni Moises Tamayo para i-turn over ang sarili.Dagdag pa ni Aguirre, naging susi sa pagsuko ng dalawa ang ipinalabas na hold departure order ng Manila regional trial court upang mapigilan makalabas ng bansa ang mga ito at harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanilaSinabi pa ni Aguirre na korte na din ang bahala kung kaninong kustodiya mapupunta si Marcelino na kasalkuyang nasa Armed Forces of the Philippines (AFP).Nakatakda naman maghain ng motion for reconsideration si Marcelino kasama ang kaniyang abogado na si Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta sa darating na Biyernes.
Chinese National Na Sinasabing Asset Ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino, Kusang Sumuko Sa Nbi… Kustodiya Kay Marceli
Facebook Comments