Chinese national na tinaguriang Rank 6 Most Wanted Person, arestado sa lungsod ng Pasay

Hawak na ngayon ng Pasay City Police ang Chinese national at tinaguriang Rank 6 Most Wanted Person.

Kinilala ang dayuhang suspek na si alyas Lay Qiuhong Katya, 30 years old na nahuli sa kahabaan ng Barangay 70, Pasay City.

Naaresto si Katya ng mga personnel ng Warrant and Subpoena Section ng Pasay CPS dahil na rin sa multiple warrants sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Haharap si Katya ng 5 counts sa Section 11, Article II and Section 12, Article II na naka-docket sa ilalim ng Criminal Case Nos. 2024-0073, 0074, 0075, 0076, 0077, at 0078, na may piyansang nagkakahalaga ng P40,000.00 hanggang P200,000 sa kada kaso at may kabuuang P1,040,000.

Ang naturang warrant ay inisyu ni ni Xerxes Ultra Garcia ang Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 295 sa Parañaque City noong February 15, 2024.

Facebook Comments